The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Sariling mundo

May 12th, 2007 · 15 Comments · Daily dose

Naging routine na sa akin na bago ako dumiretso sa stasyon ng MRT papunta sa aming lugar, ay kumakain muna ako ng aking hapunan sa isang hawker center na malapit sa MRT Station na aking sasakyan. Kagabi isang ordinaryong gabi at dating gawi bago dumiretso sa stasyon kain muna ako. habang umoorder palingon-lingon ako’t naghahanap ng may bakanteng mesa na mapupuwestuhan.  Sa sandaling paghahanap na bitbit ang aking pagkain, nakakita naman ako ng mapupuwestuhang mesa, naki-share na lamang ako sa isang mesa na may naka-upong medyo may edad ng babae.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking kinakain ng maulinagan kong parang may nagsasalita sa aking tabi. Sa aking paglingon nakita kong nagsasalita ang aleng katabi ko sa bilog na mesa na aking kinapupuwestuhan, hindi ko nga lang makita kung sino ang kanyang kausap dahil kaming dalawa lamang ang naka-upo doon.

At hindi rin naman maaaring ako ang kanyang kinakausap dahil bukod sa hindi ko maintindihan ang lengguaheng kanyang gamit ay hindi rin naman sya nakatingin sa akin. At wala rin naman akong nakitang may hawak syang telepono o blue tooth na nakasabit sa kanyang tenga.  Kaya isa lang ang aking sapantaha, nagsasalita syang mag-isa. Napa-isip tuloy akong bigla, bakit kaya nagkakaroon ng “sariling mundo” ang mga tao?, anu-ano kaya ang mga causes ng pagkakaroon nila nito?.

Sa lugar na aking kinalakihan sa sampaloc, meron din akong kakilala’t kalaro sa basketball nuong araw na naging ganito rin, nagsasalita ng mag-isa o merong “sariling mundo”. Abuso sa droga at pinagbabawal na marijuana yan ang nakita kong dahilan kung bakit naging ganoon ang kakilala kong yon.

Pero sa kaso nitong medyo may edad na babae tila walang kinalaman ang droga dito. Matinding problema kaya ang dahilan kaya may mga taong nasisiraan ng bait at nagkakaroon ng sarili nilang mundo?. Sa sobra rin kayang pag-iisip ng kung anu-ano at ng mga bagay na hindi naman dapat na pinag-iisipan kaya?. Sa puntong iyon, ay itinuloy ko na lang ang aking kinakain at itinigil na lang ang pag-iisip ng kung anu-ano.

Mahirap na at baka imbes na sa kandungan ng aking maybahay ako umuwi ay baka sa hospital ng mga baliw pa ako mauwi. At syempre mas masarap mabuhay sa mundong kasama mo ang mga mahal mo’t kaibigan kaysa mabuhay ng nag-iisa sa sarili mong mundo. :)

Tags:

15 responses so far ↓

  • 1 bill // May 13, 2007 at 3:21 am

    hehe baka naman yung ale can see dead people. parang si haley joel osment sa sixth sense

  • 2 rHo // May 14, 2007 at 2:10 pm

    kasi nga baka sobrang matanda na sya kaya ganun! db?! buti na lang hindi sya nananakita noh?!

    naku kuyam korek na korek ka talaga! ang hirap talagang mag-isa… hmmm… mukhang homesick ka na naman ah!!

    happy mother’s day sa iyong butihin asawa pati na rin sa nanay mo! god bless po lagi! ingatz!

  • 3 Mon // May 15, 2007 at 2:43 am

    Ako tol, dahil lagi din akong nag-iisip kapag ako ay mag-isa, sometimes I find myself na nagsasalita sa sarile then may patawa tawa pa, ano sa palagay mo tol doktor na ba kailangan?

    Kung nasa amin lang ako tiyak galing agad ito kasi sa aming bayan kinokoryente ang mga kumakausap sa sarile.

  • 4 Tikey // May 16, 2007 at 2:32 am

    ako minsan kinakausap ko sarili ko.. sa harap ng salamin.. heheh. pakaway kaway, feeling nanalo ng ms universe..

  • 5 ey // May 16, 2007 at 4:36 am

    parang na-imagine ko naman ang eksena hehe!
    may mga ganyan nga madalas sa hawker at mrt. :)

  • 6 Shari // May 16, 2007 at 7:24 am

    Feeling ko nga ganyan talaga ang ibang tumatanda. Marami akong nae-encounter na ganyan, nagsasalita mag-isa.

    Isa na ako roon! Hehe!

  • 7 jov // May 18, 2007 at 12:58 am

    @bill
    baka nga ano? he he

    @rho
    Hindi nman sya sobrang matanda sa tingin ko eh nasa mga post 40’s palang.

    @mon
    ganyan din ako minsan tol lalo na pag may naalala akong nakakatawa, pero it doesn’t mean eh kailangan na natin ng doktor non.

    @Tikey
    may kanya kanya tayong trip naman paminsan-minsan eh, ang syo nga lang ang mag-astang beauty queen he he.

    @ey
    isang beses pa lang ako naka-encounter ng ganyan dito sa Sing. pero sa pinas madalas.

    @Shari
    Hindi naman siguro, nagkataon lang siguro na may lahi syang ganon or may nangyari sa kanya na ikinaganun nya.

  • 8 malaya // May 19, 2007 at 8:20 am

    Tama ka na nagkakaroon ng sariling mundo ang mga taong sobrang mag-isip, yung tipong hindi makayanan ang problema o nawalan na ng pag-asa sa buhay.
    Masuwerte tayo na kahit minsan nagkakaroon din ng sariling mundo, nakakaya pa naman nating bumalik sa realidad ng buhay.

  • 9 malaya // May 19, 2007 at 8:20 am

    Tama ka na nagkakaroon ng sariling mundo ang mga taong sobrang mag-isip, yung tipong hindi makayanan ang problema o nawalan na ng pag-asa sa buhay.
    Masuwerte tayo na kahit minsan nagkakaroon din ng sariling mundo, nakakaya pa naman nating bumalik sa realidad ng buhay.

  • 10 sasha // May 23, 2007 at 6:39 am

    Ako man nagsasalita mag-isa kausap ko yung kakambal ko! Hahaha…

    Pero yung iba, yung hindi naka-droga, marahil nag-iilusyon sila na kasama nila ang kanilang pinakamamahal.

    Wag nga gaanong mag-isip, kuya, at baka magaya ka kay lola hehe

    Ingat lagi! :)

  • 11 melai // May 23, 2007 at 3:17 pm

    buti hindi ka pa nakakakita ng sobrang lakas magsalita sa MRT na akala mo may kaaway…daming ganyan sa gapore pre…. nag-aaya pala ng inuman si preng major sama ka :)

  • 12 neng // May 25, 2007 at 8:39 pm

    depressed siguro iyong ale, wawa naman!

    mag-alaga ka na lang ng hayop o halaman pare
    para may nakakausap ka ;)

  • 13 Patrice // Jun 2, 2007 at 8:13 pm

    Hmm, sa mga advanced countries madming cases ng ganyan. Sobra kasi sa trabaho at kulang sa pahinga. The price you pay for being a rich country. Kailangan ng ale ng shrink.

  • 14 OFWLIFE Lestat_m // Jun 8, 2007 at 7:17 pm

    baka naman nag pa praktis para sa public speaking si tita?..:) or nag eensayo para sa isng dialogue…:)

  • 15 jaleesa // Jun 13, 2007 at 2:24 am

    hi jlois, long time no hear. hope all is well at your end. tagal na din akong ‘di nakakabisita dito sa blog mo.

    siguro malaki prob nung matandang babae. depressed siguro at walang karamay sa prob. kawawa naman. i feel so sad for these people. maswerte tayo at maraming nagmamahal sa’tin kaya kahit meron prob (maliit man o malaki), we can still cope kasi sila ang nagpapalakas sa’tin.

    ingatz

Leave a Comment