“Kapag ako’y nababato, pinaglalaruan ko ang birdie ko, ang cute cute niya naman kasi, kaya ko sya binili”. Yan daw ang ginagawa ni Chito ang lead singer ng Parokya ni Edgar pag daw sya ay nababato. Ako naman hindi, wala kasi akong birdie na pwedeng paglaruan tulad ng kay Chito maliban sa aking “birdie” pero hindi naman pupuwede na palagi kong paglaruan yon at baka lagi akong manghina.
Kadalasan ang tao pag nababato o nabo-bored, nakaka-alala ng mga nakaraang kuwento o ng mga pangyayaring minsan eh nagkaroon ng malaking bahagi sa kanilang buhay. At kung minsan naman eh nakaka-alala tayo ng mga kalokohang pinaggagawa natin noong tayo’y nasa stage pa ng pagiging bata at makulit at walang pang pakialam sa mundo. At kadalasan kapag naalala mo ang iyong mga kalokohang ginawa ay hindi mo mapigilang mangiti nang hindi mo naman namamalayan.
Na nagiging dahilan naman para pagkamalan tayong nababaliw na ng mga taong nakakapansin. Lalo na kung ikaw ay matawa ng malakas at kita pa ang gilagid.
Tulad noong nakaraang sabado, wala akong pasok at wala rin akong magawa sa bahay kaya lumabas na lang ako at naglakad-lakad. Habang naglalakad bigla na lang akong napangiti, naalala ko kasi yung kalokohan ko noong bata pa ako. Noong minsan eh sugurin ako ng nanay ng kalaro ko na aking binatukan dahil mas makulit pa sa akin, at ako’y batukan rin at pinagalitan at sabihang “ang laki laki mong kalabaw eh pinapatulan mo ang anak ko”, at syempre papayag ba naman ako ng ganun ganun lang syempre sinagot ko din sya kailangang ibangon ko aking dangal! (nyahaha! dangal daw?). At ang isinagot ko ay ganito “eh ikaw nga ang laki laki mong elepante pumapatol ka sa akin” sabay takbo baka batukan pa ulit ako eh.
Isa lang naman yang kalokohan kong yan noong bata ako na pag naaalala ko ay talagang hindi maalis ang ngiti sa pagmumukha ko, at minsan pigil na tawa pa. Ewan ko lang kung napapansin ng mga nakakasalubong ko sa daan. Pero anuman ang inisip nila wala na akong pakialam dun, basta ang importante nawala ang boredom ko nung mga oras na yun.
16 responses so far ↓
1 karmi // Jul 7, 2007 at 5:21 am
sa wakas may update ka na kuya!
after 1 months.. hehehe..
naku, mabait akong bata noon kaya wala akong kalokohang ginagawa… ^_^ masyado kang honest na bata kuya.. hehehe…
2 jaleesa // Jul 10, 2007 at 1:48 am
hehehe i like your story bro
3 Tikey // Jul 10, 2007 at 11:42 pm
Bwhehhe buti nlang ang tutubi eh hindi pwedeng batukan! Loko ka nga nung bata ka! khit ako natawa sa sinabi mo e! sabay takbo.. woohoooooo… hahhaha… bored kapa sa lagay nayan ah!
4 malaya // Jul 11, 2007 at 5:34 am
ahehehe, bully ka pala no’n hehehe.
ako rin maraming childhood mess, teka baka mabatukan din ako dito sa opisina dahil nangingiti akong mag-isa.
5 jlois // Jul 18, 2007 at 12:33 am
@Karmi
ha haha! karmi, biglang sinipag mag-update eh. pagtapos nito ilang linggo na nmang walang update.
@jaleesa
Thanks jaleesa at nagustuha mo
@Tikey
Eh ang liit ng tutubi eh, kaya hindi ka mababatukan. hahaha, oo nmn bored ako non kaya kung anu-ano ang naaalala ko.
@Malaya
Hindi nman masyado malaya, medyo may kakulitan lang. Kwento mo rin mga kalokohan mo nung bata ka ha!. he hehee
6 sasha // Jul 20, 2007 at 9:28 am
Hahahah… Onga naman, kalaki-laking elepante pinapatulan ang kalabaw! Hahahah
Ingat, preng kuya!
7 rHo // Jul 25, 2007 at 1:47 pm
hahahaha!! natawa ako dun ah! welcome back pala sa’yo… ingatz ka lagi en God bless!!
8 nice // Jul 27, 2007 at 8:13 am
hello! still remember me? long lost blogmate somewhere in 2005-2006. Hehehe!
Bored? Just blog. It’s how I enjoy my most boring time. Kaya from boredom nagiging wasted. Lol.
9 Liz // Aug 1, 2007 at 8:22 am
nice artik. it made me laugh. hard.
10 jlois // Aug 3, 2007 at 5:43 am
@Sasha
Oo nga noh? @shasa mas malaki naman ng di hamak ang elepante eh diba? hehehe
@Rho
Ikaw din ingatz din heheh
@Nicely
Of course I remeber you ms. beautiful nicely, its nice to see you here.
@Liz
Hello Liz, sensya na kung medyo naharang comment mo, naka-moderate kasi he. hehehe
11 sirena // Aug 18, 2007 at 7:05 am
nakakamiss talagang maging bata. kung pede nga lang habambuhay na lang para wala nang masyadong problema. hehe
12 rHo // Aug 27, 2007 at 5:36 pm
kamusta na kuya???! ang leon at tigre naman… bilisss!! hehehe…
nawawala ka ah!! ingatz!
13 rems // Sep 1, 2007 at 4:11 am
MERRY CHRISTMAS! today the countdown starts. wishing you have a great christmas with your family.
hahahhaha…ang arte ko no, pa wish wish pa hahaha..pero seriously, your are 2nd person I’ve greeted merry christmas cause you deserve it, just to make up for the absences i’ve made during your class hour. heheh
14 Ang kalabaw at ang elepante | Paradise Philippines // Sep 8, 2007 at 11:25 am
[...] (more…) Author: Contributors Time: Saturday, September 8th, 2007 at 11:18 am Category: Personal Comments: You can leave a response, or trackback from your own site. RSS: You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. Navigation: « Sariling mundo [...]
15 Tikey // Sep 14, 2007 at 1:03 am
Kuya kuya, tara uwi tayu pinas! heheh!
16 maureen // Sep 24, 2007 at 7:45 am
kakaiba blogsite mo…kakabaliw este nkkaaliw pala! yan ha may new member na ang fans club mo…dun wori maghahakot pa ko ng babasa ng blog mo, hihihi!!!
keep on writing tol, dame ka yata napapasaya d2!
Maraming ganitong klaseng blog dyan sa cyberspace mau, halughugin mo lang at makikita mo rin sila. Uy wala naman akong fans club eh? mga blogger friends lang hehehe
Leave a Comment