The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 4

Entries from November 2007

Mga katanungang naglalaro sa isipan

November 30th, 2007 · 3 Comments · Daily dose, Viewpoints

Madalas ka bang mamuna ng maling gawi ng iba, pero hindi mo napupuna ang pagkakamali mo?. Kung ang sagot mo sa katanungan ko ay OO, halika dito sa tabi ko at mag-usap tayo. Papayuhan kita at payuhan mo rin ako, dahil katulad mo nagdaan din ako sa pagiging palaging namumuna, pero hindi ko naman napapansin na mas marami palang dapat punahin sa aking sarili.

Tinitingnan mo ba ang sarili mo sa salamin?, kung OO ulit ang sagot mo? siguro makikita mo rin na may kapintasan ka rin. Huwag kang mag-alala normal lang ang may kapintasan sa katawan. Di ba nga wala namang perpekto? si Perfecto lang daw ang perpekto sabi ng mga tambay sa kanto.

[Read more →]

Tags:

Eroplano

November 30th, 2007 · No Comments · Blog, Ofw life

airplane_l1.gif

Noong naka-assign pa ako sa project naming malapit sa changi airport, ang makakita ka ng eroplanong papa-landing o papa-himpapawid pa lamang ay isang ordinaryong sightings lamang. Iba’t ibang klaseng eroplano at iba’t ibang laki. May mga eroplanong pang cargo? at pampasahero. Pero mas madalas ang pampasahero.

Sa tuwing ako’y nakakakita ng pampasaherong eroplanong papahimpapawid hindi ko maiwasang pangarapin na sana’y isa ako sa mga pasaherong nakasakay doon at nananabik na muling makita at makatuntong muli sa lupang aking sinilangan ang bayang Pilipinas. Ang Pilipinas, na kahit na naghihirap dulot ng kapabayaan ng iilan at agawan sa kapangyarihan ng mga namumuno at nais mamuno ay ninanais ko pa rin tirhan at pinapangarap ko pa ring na doon mag-retiro sa pagdating ng panahon.

[Read more →]

Tags: ···