The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Eroplano

November 30th, 2007 · No Comments · Blog, Ofw life

airplane_l1.gif

Noong naka-assign pa ako sa project naming malapit sa changi airport, ang makakita ka ng eroplanong papa-landing o papa-himpapawid pa lamang ay isang ordinaryong sightings lamang. Iba’t ibang klaseng eroplano at iba’t ibang laki. May mga eroplanong pang cargo? at pampasahero. Pero mas madalas ang pampasahero.

Sa tuwing ako’y nakakakita ng pampasaherong eroplanong papahimpapawid hindi ko maiwasang pangarapin na sana’y isa ako sa mga pasaherong nakasakay doon at nananabik na muling makita at makatuntong muli sa lupang aking sinilangan ang bayang Pilipinas. Ang Pilipinas, na kahit na naghihirap dulot ng kapabayaan ng iilan at agawan sa kapangyarihan ng mga namumuno at nais mamuno ay ninanais ko pa rin tirhan at pinapangarap ko pa ring na doon mag-retiro sa pagdating ng panahon.

Hindi naman maikakaila na karamihan ng mga OFW ay mas gugustuhin pa ring sa Pilipinas gugulin ang kanilang nalalabing panahon kung sandaling dumating na ang panahong sila’y lipas na at kailangang mamahinga sa pagta-trabaho. Katulad ko at tulad din ng ilang milyon pang Pinoy na naninirahan at nagta-trabaho sa ibang bansa ay isa lang ang nais ang makitang muli ang Pilipinas, ang makasamang muli ang mga mahal sa buhay.

Aba! hindi yata biro itong lungkot na laging nararanasan naming mga OFW lalo na sa aming mga hindi kasama ang mga pamilya. Nariyan na ang maghahanap ng kahit na anong mapapaglibangan mawala lamang ang kalungkutang nararamdaman.

Kaya hangga’t maari hindi ko na pinapansin o tinitingnan man lamang kung may maririnig akong daraan na eroplano sa aking ulunan. Baka kako’t hindi ako makatiis at bigla na lang akong magpa-book na ng plane ticket, mag-empake at gumayak nang pauwi.

Tags: ···

0 responses so far ↓

  • There are no comments yet...Kick things off by filling out the form below.

Leave a Comment