The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 2

Mga katanungang naglalaro sa isipan

November 30th, 2007 · 3 Comments · Daily dose, Viewpoints

Madalas ka bang mamuna ng maling gawi ng iba, pero hindi mo napupuna ang pagkakamali mo?. Kung ang sagot mo sa katanungan ko ay OO, halika dito sa tabi ko at mag-usap tayo. Papayuhan kita at payuhan mo rin ako, dahil katulad mo nagdaan din ako sa pagiging palaging namumuna, pero hindi ko naman napapansin na mas marami palang dapat punahin sa aking sarili.

Tinitingnan mo ba ang sarili mo sa salamin?, kung OO ulit ang sagot mo? siguro makikita mo rin na may kapintasan ka rin. Huwag kang mag-alala normal lang ang may kapintasan sa katawan. Di ba nga wala namang perpekto? si Perfecto lang daw ang perpekto sabi ng mga tambay sa kanto.

Ang bakuran ba ng iba napapansin mong maraming kalat?, kung OO ulit ang sagot mo? ano naman ang gagawin mo? ire-report mo ba sa pulis o sa baranggay?. o itsi-tsismis mo sa inyong mga kapitbahay?. Hindi ba dapat na lang na iyong pabayaan at asikasuhin na lamang ang sariling bakuran?, baka kasi hindi lang napapansin na sasakan na rin ng dami ang nakakalat sa iyong bakuran at kailangan na ng iyong pansin.

Ang problema ba ng iba, eh problema mo na rin ba?,  pag may kagalit ba ang kaibigan mo dapat bang galit ka na rin dun sa kanyang kagalit?. kung lahat ng katanungan ko ay oo ang sagot mo pwede bang malaman kung bakit?.

Tags:

3 responses so far ↓

  • 1 maureen // Dec 9, 2007 at 3:55 am

    mahirap aminin na may mali tayo sa ating sarili , pero mas madali pumula ng iba sabi mo nga.

    dame rin katanungan sa isip ko na nais kong malaman ang kasagutan pero ano ba epekto nito ko sa buhay ko kung aalamin ko, iniisip ko na lang mas mabuti unahin ko ang sarili ko at bakuran ko bago ko makialam sa iba, ngunit kung may ibang tao na nanaisin ang tulong ko ay walang atubiling ibabahagi ko ang aking karanasan at kaalaman.

    tara usap tayo at payuhan mo ako ganun din ako syo para mas maging mabuting tao tayo para sa sarili natin at para na rin sa ibang tao.

  • 2 tikey // Dec 10, 2007 at 6:49 am

    aba mahaba habang sagot ang kelangan ko dito.. pero napaaray ata ako.. wbhehhe

  • 3 karmi // Dec 23, 2007 at 5:51 pm

    hi kuya.. i know mejo out of topic ung comment ko…

    gusto lang kitang i-grit ng MERRY CHRISTMAS!!!! ingatz ka po dyan…

    e2 nga po pala gift ko for you..

    http://i31.photobucket.com/albums/c368/carmefrancia/krismasblog.jpg

Leave a Comment