Entries Tagged as 'Blog'

Noong naka-assign pa ako sa project naming malapit sa changi airport, ang makakita ka ng eroplanong papa-landing o papa-himpapawid pa lamang ay isang ordinaryong sightings lamang. Iba’t ibang klaseng eroplano at iba’t ibang laki. May mga eroplanong pang cargo? at pampasahero. Pero mas madalas ang pampasahero.
Sa tuwing ako’y nakakakita ng pampasaherong eroplanong papahimpapawid hindi ko maiwasang pangarapin na sana’y isa ako sa mga pasaherong nakasakay doon at nananabik na muling makita at makatuntong muli sa lupang aking sinilangan ang bayang Pilipinas. Ang Pilipinas, na kahit na naghihirap dulot ng kapabayaan ng iilan at agawan sa kapangyarihan ng mga namumuno at nais mamuno ay ninanais ko pa rin tirhan at pinapangarap ko pa ring na doon mag-retiro sa pagdating ng panahon.
[Read more →]
Tags: airplane·eroplano·ofw·PAL
Ano meron sa pangalan mo?, isang tanung na gustong gusto mong itanong dahil siguro na-curious ka kung sa pangalang iyong nabasa o nalaman. Sa cyberspace mapa-Forum man o Chat normal na ang may mga kakaibang nick o handle. Merong mga nick na talaga namang agaw pansin dahil kakaiba, meron namang napaka-simple lang tipong tamad nang mag-isip. Tulad nitong nick na gamit ko Jlois, ang aking nick na gamit ay kombinasyon ng unang letrang first name ko at last 4 letters ng surname ko.
[Read more →]
Tags:
It’s been 2 weeks now that I haven’t posted anything on this blog, I just can’t find a free time to make some entry. This previous weeks was been very busy for me, aside from the considerable amount of my work load, there is also my family who needs my attention. Thats why sometimes I felt too exhausted to think of anything.
Well anyway, I manage to make this post and this all about the blog migration I’ve done last 2 weeks ago, I should have posted this back then just after I’ve done migrating my posts and comments from my blogger blog to my wordpress blog. But because of some valid reasons that I’ve already stated restrained me to do so.
[Read more →]
Tags:
Ang hirap talaga mag-lipat ng bagong blog, para rin akong nag-lipat ng bagong bahay. Unang una kasi hindi ko pa masyadong kabisado ang wordpress mas nakabisado ko kasi ang blogger, kaya lang maganda kasi itong wordpress kaya kahit hindi ko pa kabisado pinagtya-tyagaan ko muna. May mga components kasi ang wordpress na wala ang blogger kaya siguro marami ang nahahaling dito at isa na rin ako dito.
[Read more →]
Tags:
Back in working condition na ulit ako ngayon, balik na ulit sa pagiging ulirang empleyado, nakapagpahinga rin kasi ako ng mahigit isang linggo at ngayon nakakapasok na ulit ako, although medyo relax lang muna dahil baka mabinat.
This is a preview of
Hindi nakakasira sa porma ang pagdadala ng payong
.
Read the full post (451 words, estimated 1:48 mins reading time) [Read more →]
Tags:
I got sick! Tatlong araw akong nakulong sa loob ng bahay dahil sa trangkaso at dahil doon tatlong araw din akong hindi nakapasok, nakakapanghinayang din ang mga araw na hindi ko napasukan “no work no pay” pa mandin ako ngayon sa trabaho ko sa kadahilanang bago pa lang ako sa kumpanyang pinapasukan ko, pero wala naman akong magagawa pilitin ko man ang sarili kong pumasok baka lalo lang akong magkasakit.
Isang patunay lang na sa panahon ngayon mahirap talagang magkasakit, bukod sa mahal ang mga gamot malaki pa ang mawawalang kita sa hindi pagpasok. Dobleng ingat at alaga sa sarili na lamang ang kailangan ngayong panahon ng tag-ulan.
Permanent link to this post (109 words, estimated 26 secs reading time)
[Read more →]
Tags:
Busy as a bee pa rin ako, hanggang silip lang sa ilang blog ng kaya kong gawin ngayon. Bukod sa sobrang daming trabahong dapat tapusin andyan pa aking aking munting prinsipe at maybahay na umaamot sa aking atensyon. Hindi naman ako nagrereklamo at least ngayon hindi na ako tulad ng dating nasa Thailand pa ako na nangungulila sa aking mag-ina.
[Read more →]
Tags: