Entries Tagged as 'Blog'
Otso pesos na yata ang pasahe?, yan ang nasa isip ko habang sakay ako ng jeep pauwi na ng bahay kagabi galing sa pagoo-overtime, sa kadahilanang nang mag-abot ako ng otso pesos sa mamang drayber ng dyip na aking sinasakyan eh, hindi man lamang ako nasuklian
Hindi lang isang beses kundi madalas na ganon ang nangyayari na kapag nag-abot ako ng halagang alanganin sa eksaktong halaga, madalas talagang hindi ako nasuksuklian. Sabihin na nating singkwenta sentimos lamang ang nawala sa akin, pero 50 cents is 50 cents sa hirap ng buhay ngayon sa pinas kailangan pahalagahan kahit na dalawang beinte singko lang, buti sana kung ang mga magagaling nating tsuper ay tumatanggap ng kulang ang pasahe.
[Read more →]
Tags:
Mula noong nakasal kami ng aking maybahay tatlong taon na ang nakararaan, hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na mamasyal na kaming dalawa lamang tulad ba noong kami’y magsyota palamang, iyon ang mga nami-miss ko rin mula noong dumating sa buhay namin ang aming prinsepe. Pero nitong nakaraang linggo nagkaroon kami ng aking maybahay ng pagkakataon na makapagsolo at makapanood ng sine dahil nga matagal ko na ring inuungot sa kanya iyon, kasi sa tuwing inuungot ko sa kanya iyon ang sagot nya ay parang nakokonsyensya daw sya na nagsasaya siya pero yung anak namin ay andoon sa bahay lamang.
[Read more →]
Tags:
Isang linggo at kalahati na ang nakalipas mula nang ako’y magbalik sa aking bansang sinilangan ngunit aking nararamdaman ay katulad pa rin noong unang araw noong ako’y bumalik at nakapiling muli ang aking pamilya, puno pa rin ng excitement ang damdamin ko parang hindi ako makapaniwalang nandito na ako sa kanilang tabi, nakakasama’t nakikita ko na ulit sila sa araw-araw, hindi na ako mag-isang namamaluktot na natutulog sa lamig ng gabi at higit sa lahat lagi na akong maykayakap habang natutulog (sarap noh?).
[Read more →]
Tags: