Entries Tagged as 'Poetry'
Sa gabing malamig ang simoy ng hangin
hanap ko’y yakap mong nagpapa-init
sa aking damdamin
ang boses mong tila musika
sa aking pandinig
ang nais kong laging naririnig
ang halik mong nagpapa-nginig
sa aking kalamnan ang lagi kong
inaasam na laging kong matikman
diba’t walang kasing-saya sana
kung tayo’y laging magkasama
magkasama sa hirap man o sa ginhawa
pero ngayo’y ako’y nasaan?
nandito sa malayo
niyayakap kong mag-isa
ang aking sarili
sa ilalim ng buwan
at lamig ng gabi
Halata bang homesick na naman ako?.
Â
Permanent link to this post (87 words, estimated 21 secs reading time)
[Read more →]
Tags:
Mamang balbas sarado
ikaw ba’y tunay na lalake
o isang bading na nagpapanggap
na maton
kundangan kasing bakit
kay lalagkit ng iyong tingin
at sa akin pang pagkaka-upo
ako’y iyo pang sinisiksik
maluwag naman ang upuan
sa iyong tabi
pero ang hita mong pagkalalaki
ay pilit mong idinidikit sa akin
pwede bang umusog-usog
ka ng kaunti nang ako naman
ay maka-upo ng maayos
yan sana ang nais kong sabihin
kaninang umaga sa jeep
sa isang mamang mahinhin
kung umupo at kumilos
at di ko mawari kung
tunay nga ba siyang lalake
[Read more →]
Tags:
Sa tahanan ikaw ang ilaw
dahil ikaw ang nagbibigay
liwanag sa madilim na bahay
sa tahanan ako ang halige
ngunit ikaw ang aking gabay
sa aking pagpupunyagi
kaya’t presensya mo’y
mahalaga sa bawat balakin
na aking iniisip
dalangin ko sana’y ilaw na iyong
taglay ay hindi mapundi
dahil sa kakulitan naming
taglay ng munti nating prinsipe
happy mother’s day syo MAHAL
hindi lang ikaw ang ilaw ng ating tahanan
ikaw rin ang ilaw ng puso ko’t
LIGAYA ng aking buhay
Permanent link to this post (81 words, estimated 19 secs reading time)
[Read more →]
Tags:
araw at gabi
ang aking minimithi
ay makapiling kang muli
madamang muli
ang malambot mong labi
panaginip ka sa bawat gabi
sa tuwina ay alaala
maghapon ay tulala
sa loob ng opisina
dahil mukha mo sinta
ang laging nasa-isipan
namamaluktot sa lamig ng gabi
ang katawang sabik
hinahanap ang yakap
mong walang kasing init
tanging mithiin ko
sana’y maka-uwi na
at nang matapos na itong
aking pagda-drama
hintayin mo ako sinta
sa aking pagbabalik
upang ang naudlot nating pag-ibig
ay muli nating madama
Permanent link to this post (84 words, estimated 20 secs reading time)
[Read more →]
Tags:
isang taon na ang lumipas
na labis ang pangungulila
alaala mo aking ligaya
ang lagi kong kasama
isang taon na ang lumipas
nang huli kang nahagkan
nang huli kitang nayakap
at nasilayan
isang taon na ang lumipas
na laman ka ng aking panaginip
na tanging unan lamang ang kayakap
pinapangarap kong makita kang muli
mahaplos ang iyong mukha
mayakap ka’t mahagkan
araw ay halos hilahin na, dahil sa pagka-inip
sa aking pagbabalik sa bayang minamahal
at sa piling mo aking mahal
Permanent link to this post (82 words, estimated 20 secs reading time)
[Read more →]
Tags: