The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 4

Entries Tagged as 'Short story'

Kundi ukol hindi bubukol! (kasabihan at salawikain, conclusion)

April 7th, 2007 · 20 Comments · Reflections, Short story

Malungkot kasi na-basted! bwahaha!Marami palang nabitin sa nakaraan kong kuwento at napansin ko rin na maraming na-intriga at gustong malaman kung anong naging konklusyon nito. Ngunit dahil sa aking kaabalahan sa aking trabaho kaya hindi ko magawang sundan o tapusin na ang  kuwentong aking nasimulan na. Pero dahil sa pati na rin ang aking maybahay na nakisali na rin sa mga nagko-komentong ituloy ko na raw at tapusin. Dahil kahit sya man daw ay nabitin at gustong malaman ang konklusyon nito, gayung alam na alam naman niya kung ano ang naging katapusan ng kuwento at kung sinu-sino ang mga karakter. Kaya heto na at akin nang itutuloy. Saan nga ba tayo naputol?.

[Read more →]

Tags:

Kasabihan at salawikain! isang kuwentong “myth buster”

March 20th, 2007 · 15 Comments · Reflections, Short story

Marami tayong mga kasabihan at salawikain na nakatanim na sa isipan natin mga namana pa natin sa mga ninuno at kanunu-nunuan pa ng mga lolo at lola natin. May mga kasabihan tayo na masasabi natin na dapat nang kinakalimutan mga kasabihang obsolete na at dapat nang ibaon sa lupa. At meron din naman kasabihang naangkop pa rin sa kasalukuyan nating pamumuhay hindi nga lang natin alam kung sa lahat ba ng aspeto ng buhay ay maari nating gamitin. At isa na rito ay ang paborito kong kasabihan at hindi ko malilimutang ”pag may tyaga may nilaga” meron kasi akong naalalang nakakatuwang kuwento na nangyari noong ako’y isa pa lamang nababatong stupident ng kolehiyo. Pero naangkop ba itong kasabihan na ito sa lahat ng aspeto ng kasalukuyan nating pamumuhay?. Eh! di basahin na lang ang maikli kong kuwento.

[Read more →]

Tags: