Ayon kay Melai ang buhay daw ay parang sa pelikula na hindi nawawalan ng mga tugtog o awitin na nais pakinggan. Yung parang sa pelikula na may soundtrack sa bawat eksena.
Kung baga sa pelikula ang buhay hindi rin daw nawawala ng soundtrack, theme song noong lumang panahon. Bawat oras, minuto, segundo ng buhay parang sobrang lungkot kung wala ka man lang musika na naririnig o mga kantang paulit-ulit mong pinakikinggan.
Tulad nga din ng sa pelikula, sa buhay natin ay may mga awitin din tayong nais marinig sa bawat eksenang nangyayari sa ating buhay. Mga awiting tumutugma sa ating panglasa at umaangkop din sa ating kasalukuyang damdamin. Dahil minsan pa-iba iba ang ating mood, kaya’t pa-iba iba rin ang ating gustong marinig.
At dahil sa naalala daw ako ni mareng Melai, kaya naman kasama ako sa binatuhan ng tag na ito.