Pinoy community in Singapore is growing, mainly because almost everyday there is a lots of job seekers coming here in Singapore looking for a greener pasture. You can see pinoy in almost every places here in Singapore. You might even think that you are just only somewhere in one of the city of the Philippines, dahil sa dami na nga ng mga kababayan natin. Halo-halong kalamay na ang makikitang pinoy professionals dito sa Singapore kadalasan mga Archi, (Architects, Draftsman) Engineers, mga IT professionals, may mga F&B rin (Food &Beverage) may mga sa Retail din, meron ding mga Nurses at may mga sa Call centers na rin at meron ding mangilan-ngilang mga teachers na naghahanap ng trabaho.
Entries Tagged as 'Viewpoints'
Job hunting in Singapore the reality..
November 10th, 2008 · 4 Comments · Ofw life, Viewpoints
Tags:
Mga katanungang naglalaro sa isipan
November 30th, 2007 · 3 Comments · Daily dose, Viewpoints
Madalas ka bang mamuna ng maling gawi ng iba, pero hindi mo napupuna ang pagkakamali mo?. Kung ang sagot mo sa katanungan ko ay OO, halika dito sa tabi ko at mag-usap tayo. Papayuhan kita at payuhan mo rin ako, dahil katulad mo nagdaan din ako sa pagiging palaging namumuna, pero hindi ko naman napapansin na mas marami palang dapat punahin sa aking sarili.
Tinitingnan mo ba ang sarili mo sa salamin?, kung OO ulit ang sagot mo? siguro makikita mo rin na may kapintasan ka rin. Huwag kang mag-alala normal lang ang may kapintasan sa katawan. Di ba nga wala namang perpekto? si Perfecto lang daw ang perpekto sabi ng mga tambay sa kanto.
Tags:
Grand finale, the showdown of the year
November 18th, 2006 · 7 Comments · Sports, Viewpoints
Bukas na pala ang much awaited fight of the year ng dalawa sa magagaling na boksingero ng kanilang henerasyon. Oo ang tinutukoy ko ay ang hinihintay ng lahat ng mga pinoy boxing afficionados ang “Pacquiao vs Morales Grand Finale” showdown. Dito sa Pinas maraming magbubukas na sinehan ng maaga para maipalabas ng live ang kanilang laban sa thomas and mack center sa Las Vegas Nevada US of A.
Tags:
“Life is like a box of chocolate”
October 5th, 2006 · 16 Comments · Viewpoints
Iba talaga ang buhay, pag nasa sariling bayan ka na at kapiling mo ang iyong pamilya. Masaya, masarap sa pakiramdam, at lagi kang may ngiti sa labi, lalo na kung kasama mo na ang iyong tsikiting na walang kasing kulit.
Kahit pa buong araw akong wala sa bahay namin dahil sa trabaho ko okay pa rin dahil alam ko naman na pagsapit ng gabi ay kasama ko na naman ang aking pamilya. At kahit pa pagod na pagod ako sa aking trabaho, hindi pa rin ito nagiging problema sa akin dahil alam ko sa isang ngiti ng munti kong anghel at yakap ng aking maybahay ay mawawala na ang pagod na aking nadarama. Yun nga lang may mga dis-advantages din, kadalasan nga ay kinakapos sa gastusin dahil na rin sa sobrang taas ng mga bilihin. At lagi ring may pangamba na baka hindi mabigyan ng magandang kinabukasan ng ating mga anak, pero kung sa pang-araw araw lang, nakakaraos din naman.
Tags:
Masarap ang may Anak
March 17th, 2006 · 11 Comments · Daily dose, Viewpoints
“Masarap magkaroon ng anak nakakawala ng pagod lalo na pag-uwi mo galing sa opisina” ang mga naririnig kong madalas sa mga mayroon ng anak, sa mga ka-opisina kong may anak na rin yan din ang sinasabi nila parang nagkaka-isa sila ng nararamdaman kahit hindi naman sila magkakakilala.
Tags:
Bulag ang pag-ibig
February 14th, 2006 · 8 Comments · Daily dose, Viewpoints
Ang pag-ibig raw ay bulag, minsan binge, kung minsan naman tanga pa.
Ang pag-ibig raw pag pumasok sa puso ng sinuman hahamakin ang lahat masunod lamang.
Maari nga na ang taong umiibig ay nagiging bulag pansamantala, hindi nakikita ng mga taong umiibig ang anumang kasiraan ng kanilang minamahal ma pisikal man o ugali at kung anupa man, dahil sa taong lubos na umiibig ang puso na ang kanilang nagiging mata, isip at pandinig.
Tags: