The cycle we called life

“Ganyan talaga ang buhay parang life”

The cycle we called life header image 1

Grand finale, the showdown of the year

November 18th, 2006 · 7 Comments · Sports, Viewpoints

Bukas na pala ang much awaited fight of the year ng dalawa sa magagaling na boksingero ng kanilang henerasyon. Oo ang tinutukoy ko ay ang hinihintay ng lahat ng mga pinoy boxing afficionados ang “Pacquiao vs Morales Grand Finale” showdown. Dito sa Pinas maraming magbubukas na sinehan ng maaga para maipalabas ng live ang kanilang laban sa thomas and mack center sa Las Vegas Nevada US of A.Manny Paquiao vs Eric Morales

→ 7 CommentsTags:

Routine, Detour and Single life

October 23rd, 2006 · 10 Comments · Reflections

Madalang ang pag-uwi ko ng maaga sa aming bahay mula sa opisina noong ako’y binata pa. Madalas nagiging tambayan ko na ang aming opisina lalo na kung marami kaming trabaho. Maaga ako kung pumasok ngunit gabi na ako kung umuuwi noong mga panahon na iyon. Kung minsan naman kahit holiday pa mas pinipili ko pa ring mag-trabaho na lang kaysa magkulong sa bahay. At kung minsan, nagkakayayaan ang barkadang gumimik laging ”go” ang mood ko at sigurado umaga naman ang uwi namin. Yan ang palaging routine ko noong single pa ako at walang sabit. 

→ 10 CommentsTags:

“Life is like a box of chocolate”

October 5th, 2006 · 16 Comments · Viewpoints

Iba talaga ang buhay, pag nasa sariling bayan ka na at kapiling mo ang iyong pamilya. Masaya, masarap sa pakiramdam, at lagi kang may ngiti sa labi, lalo na kung kasama mo na ang iyong tsikiting na walang kasing kulit.

Kahit pa buong araw akong wala sa bahay namin dahil sa trabaho ko okay pa rin dahil alam ko naman na pagsapit ng gabi ay kasama ko na naman ang aking pamilya. At kahit pa pagod na pagod ako sa aking trabaho, hindi pa rin ito nagiging problema sa akin dahil alam ko sa isang ngiti ng munti kong anghel at yakap ng aking maybahay ay mawawala na ang pagod na aking nadarama. Yun nga lang may mga dis-advantages din, kadalasan nga ay kinakapos sa gastusin dahil na rin sa sobrang taas ng mga bilihin. At lagi ring may pangamba na baka hindi mabigyan ng magandang kinabukasan ng ating mga anak, pero kung sa pang-araw araw lang, nakakaraos din naman.

→ 16 CommentsTags:

My Life’s Soundtrack

September 26th, 2006 · 11 Comments · Song lyrics, Tags

Ayon kay Melai ang buhay daw ay parang sa pelikula na hindi nawawalan ng mga tugtog o awitin na nais pakinggan. Yung parang sa pelikula na may soundtrack sa bawat eksena.

Kung baga sa pelikula ang buhay hindi rin daw nawawala ng soundtrack, theme song noong lumang panahon. Bawat oras, minuto, segundo ng buhay parang sobrang lungkot kung wala ka man lang musika na naririnig o mga kantang paulit-ulit mong pinakikinggan.

Tulad nga din ng sa pelikula, sa buhay natin ay may mga awitin din tayong nais marinig sa bawat eksenang nangyayari sa ating buhay. Mga awiting tumutugma sa ating panglasa at umaangkop din sa ating kasalukuyang damdamin. Dahil minsan pa-iba iba ang ating mood, kaya’t pa-iba iba rin ang ating gustong marinig.
At dahil sa naalala daw ako ni mareng Melai, kaya naman kasama ako sa binatuhan ng tag na ito.

→ 11 CommentsTags:

Resume and cover letter bloopers

September 21st, 2006 · 3 Comments · Daily dose, Laughing trip

Found this compilation of “extracted lines of resume and cover letter” while surfing the net last night. I had a good laughs just reading some lines on the lists, and I thought of sharing it here.

These are taken from real resumes and cover letters and were printed in Fortune Magazine:

1. I demand a salary commiserate with my extensive experience.

2. I have lurnt Word Perfect 6.0 computor and spreadsheet progroms.

3. Received a plague for Salesperson of the Year.

4. Reason for leaving last job: maturity leave.

5. Wholly responsible for two (2) failed financial institutions.

→ 3 CommentsTags:

Maging sa panaginip

September 18th, 2006 · 6 Comments · Daily dose

Dalawang linggo rin akong naging busy sa trabaho, nagkaroon ng maraming deadline sa opisina. At halos araw-araw ang overtime ang nangyari. At may mga gabi pa nga napapanaginipan ko yung mga deadline ko sa trabaho, sa aking panaginip natapos ko na daw lahat ng aking mga work load, pero pagkatapos na pagkatapos daw ay meron na namang dumating, at sa pagkakataong yon doon na rin ako nagising.Tsk tsk tsk!, buhay nga naman pag sinuswerte ka, kung ang iba ay hirap sa paghahanap ng trabaho pero ako, eto pati sa panaginip ko hinahabol ako ng trabaho. :)

→ 6 CommentsTags:

wordpress to wordpress blog migration experience

September 17th, 2006 · 4 Comments · Blog, Daily dose

It’s been 2 weeks now that I haven’t posted anything on this blog, I just can’t find a free time to make some entry. This previous weeks was been very busy for me, aside from the considerable amount of my work load, there is also my family who needs my attention. Thats why sometimes I felt too exhausted to think of anything.

Well anyway, I manage to make this post and this all about the blog migration I’ve done last 2 weeks ago, I should have posted this back then just after I’ve done migrating my posts and comments from my blogger blog to my wordpress blog. But because of some valid reasons that I’ve already stated restrained me to do so.

→ 4 CommentsTags: