Noong naka-assign pa ako sa project naming malapit sa changi airport, ang makakita ka ng eroplanong papa-landing o papa-himpapawid pa lamang ay isang ordinaryong sightings lamang. Iba’t ibang klaseng eroplano at iba’t ibang laki. May mga eroplanong pang cargo? at pampasahero. Pero mas madalas ang pampasahero.
Sa tuwing ako’y nakakakita ng pampasaherong eroplanong papahimpapawid hindi ko maiwasang pangarapin na sana’y isa ako sa mga pasaherong nakasakay doon at nananabik na muling makita at makatuntong muli sa lupang aking sinilangan ang bayang Pilipinas. Ang Pilipinas, na kahit na naghihirap dulot ng kapabayaan ng iilan at agawan sa kapangyarihan ng mga namumuno at nais mamuno ay ninanais ko pa rin tirhan at pinapangarap ko pa ring na doon mag-retiro sa pagdating ng panahon.
